Random and Unfinished

  • It is so ironic that the earth is advancing yet, we tend to grow backwards.
    We have discovered the importance of cultivating and developing our thoughts, opinions, and philosophies and use all the available means to spread it, yet we require others to approve of it, to agree with it. Even though we know perfectly that we are our own classification. That is how we believe ourselves to be, right.? Unique, incomparable. And if at times we feel average, we claw our way up to the surface, use the head and shoulders of the other so that we can reach the top. But we want the world to accept it as¬† natural way of “striving”. Because otherwise, the world is restricting our development as human beings.

 

  • Prayer needs bravery to ask for what you want and what you need. You defend that you need what you want. You need to be brave to face the consequences, to actually get the answer. When you pray you are vulnerable. Positioned for a 21 gun salute, you are in a weak position yet you need to be there.

 

  • Someone will always knock on your door. Will respectfully take their hat off and present a seemingly beautiful gift wrapped artfully, confetti cut outs and all. It will be beautiful that you will overlook the disclaimer that comes with it: Temporary.
    And just like that you will realise that they are the gift. When the time comes, give it to them for tiptoeing their way out. Let your self believe that it was as respectful as one can be when they’re ready to leave.
  • It is like stumbling upon a book. A good one. The kind that you did not expect to find, but you did. You opened it, not having the slightest idea about its contents, and realising it is actually quite good. Beautiful even. You’re not sure yet if you would want to sit down and finish it but you’re certain you dont want to drop it yet.
Advertisements

Inaantok ang buwan

Noong isang araw, matapos kong isara ang telon ng palabas na madalas nating tawaging, “maghapon”, napatingala ako sa kalangitan at nakita kong inaantok ang buwan.

Ang wangis niya ay tulad pa rin nang sa kahapon, na tulad noong isang araw na katulad din noong nauna pa…

Dambuhala, maliwanag, may pwersa, may imahe ng kabuuan ng daigidg na tila isang higanteng salamin na nakabitin doon sa itaas. Ngunit ang mga katangiang ito’y nagmistulang mga baguhang diwatang pinarusahan ng mga dyos upang magtago sa isang sulok. Sa halip, ipinakita ng buwan na siya ay tila… nanghihina… napapagod… tinatamad kaya? inaantok?

Ang korona na nakapalibot sa kanya ay tila kandilang natutunaw, patuloy na nagliliwanag ngunit nababatid ng mga makamamalas na ito’y hindi na magtatagal sapagkat ang buong buhay nito ay naialay na upang… matunaw

Ang kanyang hugis, bilog, walang bakas ng dulo o pangako ng katapusan, walang hanggan. Ngunit ang bilog ba ay hanggang kailan walang hanggan?

Ang liwanag nito’y kaniya, kahit na alam ng lahat ng pantas at kahit ng mga sira ang ulo na ito ay pinapahiram lamang ng haring araw. Ang liwanag nito’y kaniya ngunit kailanman ay hindi naging mapagmalaki, nanatiling mababa sa kabila ng kadakilaan pagkat nalalaman niyang mayroon ibang pwersang nakahihigit sa kanya.

Ang dagsin na kaniyang tangan, ang tila pinakamakapangyarihan sa lahat, kinikilala at pinaniniwalaan. Ngunit kung minsan ay sya ring iniiwasan, kinatatakutan. Madalas di nabibigyang pansin dahil sa mga sariling dalahin ng mundong di namamalayang ang balanse ng mga paa ay nagmumula mismo sa pwersang pilit na nilalayuan.

Anong meron, buwan? Sabihin mo sa akin, ikaw ba ay may sariling laban? Ang loob mo ba ay nagdadala rin ng mga isiping mahirap maramdaman at ang mga damdamin, ayw mong isipin? Maaalala mo pa ba ang huling beses mong naramdamang ang puso at isip mo ay iisa ng tibok? O ni hindi mo alam ng konsepto ng kapayapaan dahil simula noong unang tibok at unang hibla ng dunong ay kabalintunaan nang tila walang katapusan?

Anong meron, buwan? Sabihin mo sa akin, ikaw ba ay humingi ng tulong? Sa paanong paraan? Gumamit ka ba ng boses, ng mga salita, ng mga pangungusap na sa bawat sambit ay may kalakip na bahagi ng iyong puso o isip upang ang digmaan ng dalawa ay maibsan man lamang? Gumamit ka ba ng tinta at pluma? Pinilit mo bang aninagin sa pagkasutla ng papel ang tinta ng kahapon at ng bukas na sing dilim ng… Kawalang katiyakan? Naging sapat ba ang bigat ng iyong mga kamay upang bumakat sa pahina ng iyong buhay ang mga matibay na paniniwala, mga duda, mga aral. Naging sapat ba ang mga tuldok, mga kudlit, mga tandang pananong at pandamdam upang maipahayag mo mga damdaming lalong bumabaon sa tuwing pilit mong inilalabas?

O pinili mo bang tumahimik? Sabihin mo sa akin, ang iyo bang kadakilaan at kagandahan sa kalangitan ay palabas lamang. Buong gabi mo bang hinihintay ang araw nang sa ganoon ay makapagpahinga ka sa oras na maghari na siyang muli? At sa pagsikat ng liwanag ng langit, ikaw ay babalik sa iyong higaan, hihinga nang malalim, lulunurin ang sarili sa katahimikan.. at magsisimula muling mabingi sa digmaan sa pagitan ng pinagmumulan ng ala ala at dunong at ng pinagmumulan ng dugo na nagbibigay kulay dito.

Mahaba na ang gabi, mahal kong buwan, magpahinga na…